Friday, March 06, 2009

Aucklandbabe Resurrected...

Halos dalawang taon na ng simulan ko ang blog na ito at sa awa ng Diyos mayroon na akong... dalawang post. Yup, dalawa. As in one, two. Nakakahiya man aminin ay naging abala ako sa mga bagay-bagay at hindi ko napagtuunan ng pansin ang pagsusulat. Sa totoo lang, kahit ang pagsulat ko sa aking personal diary ay napabayaan ko na rin.

Marami ang nangyari sa akin nitong nakaraang dalawang taon. Nariyan ang naranasan kong magmahal at syempre ang masaktan at mabigo sa pag-ibig. Naging abala rin ako sa paglipat mula Auckland papuntang Melbourne sa hangarin kong mas maging maayos ang aking buhay. Kinailangan kong mag-adjust sa aking bagong tahanan at trabaho. Hindi rin mawawala ang mga bagong kaibigan at kakilala.

Sa panibagong yugto ng buhay kong ito, sisikapin ko na hindi na muling kalimutan ang aking pagsusulat. Hayaan ninyo na maibahagi ko kung ano mang mga bagong experience at adventure (kung meron man!) sa buhay ko.

Thursday, September 22, 2005

SUDOKU

Ito ang latest craze ngayon among my co-workers. Lahat ng tao nakatungo at seryosong-seryoso. Akala mo kung anong ginagawa, yun pala busy sa sudoku. Ako, every break abala ako sa sudoku. Pumapayat na nga ako kasi imbes na kumain, yun ang inaatupag ko. At saka bago matulog, yan ang ginagawa ko para antukin. Pero sa totoo lang nakakaddict talaga siya. Nagsimula akong mahilig dyan nung minsang bored ako. Kasi yung supervisor ko nakatayo lang pero napakaseryoso at may hawak napapel at lapis. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya. Yun nga, nagsasagot ng sudoku. Eh, tutal wala naman akong ginagawa, kaya sabi ko masubukan nga. And the rest is history.

Sandali nga, sa mga hindi alam kung ano ito, ang sudoku ay isang puzzle mula sa Japan. The principle is simple: all you need to do is place a number from 1-9 in each empty square, so that every row, column and 3x3 box contains the numbers 1-9. Hindi kailangan ng math o hulaan, logic lang. Anyway, kung gusto ninyong i-try just go to http://www.sudoku.com. Enjoy!

Sunday, September 11, 2005

My New Interest!

Uyyy! May bago akong 'interest' ngayon. Napagtripan ko yung pagbu-burn ng scented oil sa kuwarto. Last Friday, may I go ako sa $2 shop para maghanap ng burner at mga scented oil. For $2 lang, nakabili ako ng complete set. May burner, isang tealight candle at scented oil. For $2 din, nakabili ako ng 21 tealight candles. Tapos di pa ko nakuntento sa isang scented oil kaya pumunta ako sa Warehouse at nakabili ako ng dalawa pang oil, lavender scent at night queen (kung sa atin pa 'dama de noche'!).

Syempre pag-uwi ko after work, excited akong i-try yung mga nabili ko. Kaya lang may pagkapalpak talaga ako. Paano nakalimutan kong bumili ng lighter. Paano ko sisindihan yung kandila. Lintek! Ginawa ko, punta ako sa kuwarto ng nanay ko at nanghalungkat ako sa kanyang tokador. Eh syempre pa nagising si madir at nagtanong kung anong hinahanap ko. Sabi ko lighter. Sabi niya di daw nya alam kaya yung sister kong tulog ang tinanong niya. Sagot ni sister, baka nasa mga drawer sa kusina. Baba ako sa kitchen at pinagbubuksan ko lahat ng drawer pati mga cupboard tiningnan ko na rin. Wala pa rin. Balik ako kay ermats. Sabi niya naman tingnan ko daw sa kuwarto ng brother ko baka daw tinago. Di punta ako sa kuwarto ni brother. Binuksan ko yung ilaw syempre nagising din siya. Tinanong ako kung anong hinahanap ko, sabi ko lighter. Sabi niya wala daw sa kanya ang lighter. Kung gusto ko daw may posporo sapulang kahon na nasa boot ng kotse. Di baba na naman ako at nagpunta ng garahe. Sa wakas, matapos kung bulabugin ang buong bahay namin! Success ang paghahanap ko at nakakita rin ako ng posporo.

Hay naku, naaliw talaga ako sa bago kong hilig. Nakakarelax talaga siya. Sarap ng feeling yung nakikinig ka lang ng music tapos nagbabasa ng libro o magazines. Huwag lang akong makatulog habang may sindi pa yung kandila. Mahirap na baka lechon ang kalabasan ko! hehehe...

Monday, August 29, 2005

Tagged!

20 Years Ago:
I was just 3 years old then. Can hardly remember anything. Natatandaan ko lang yung kababata ko na si Bebet. A year after lumipat na kami ng bahay at nawalan na kami ng communication. I remember meron akong bike noon na tatlo ang gulong and I had a dog named Cindi Lauper. Tapos that was the year din na pumunta kami sa Baguio City.

15 Years Ago:
I was 8 years old. The year I got my first communion. Met my bestfriend Mylene. Lagi akong tambay sa bahay nila naglalaro ng kung anu-ano. Taguan, bahay-bahayan, ten-twenty, Chinese garter at marami pang iba. Member din ako ng Rondalla sa school namin.

10 Years Ago:
The start of my teenage years. Highschool! Best years of my life! Dito nabuo ang barkadang Rainmodels. Dito ko rin na-meet si Mr. If-Only ko. Kaya lang wala talagang nangyari eh...

Dito rin ako natuto mangopya. Hehehe... Lahat na siguro ng style ng pangongopya ay nasubukan ko.

5 Years Ago:
My debut. Daming bisita kaya lang yung kalahati siguro puro di ko kilala. Pero enjoy pa rin. Syempre nandoon yung mga kilig moments during the 18 roses.

Also, college na ko. Hay, hirap mag-aral. Halos bumagsak na ko. Buti na lang kahit paano pasang awa pa rin.

Around this time din sinimulan ng mom ko yung pagpaprocess ng papers namin papuntang NZ.
:(

3 Years Ago:
Came to NZ. The plan was to stay here only for a few months then go back to the Philippines. Kaya lang change of plans. So here I am, still here. No regrets, though.

Last year:
First heartbreak. Got involved in a nasty controversial situation. Decided to do some drastic changes in my life.

Went to Sydney with friends. Did a lot of travel around NZ during these times.

This Year:
Enjoying single life. Puro lakwatsa at shopping na lang ang inaatupag ko. :)

Yesterday:
Went to the mall with my friends. As usual shopping na naman.

Last Night:
Watched some thriller films with my friends. Kakatakot!

Today:
Eto, sa bahay lang. Dapat manonood ng sine kaya lang walang magandang palabas so magrerent na lang siguro ng DVD at manonood ng Desperate Housewives.

Tomorrow:
Back to work. Iniisip ko pa lang, natatamad na ko. But got no choice, gotta earn a living.

Next Year:
Looking forward to getting my NZ Citizenship and go see the world!

5-10 Years From Now:
Hopefully, I'll be living comfortably in my own apartment utang-free. Not necessarily rich, just have enough for certain luxuries in life. :)

Thursday, August 04, 2005

10 Destinations in New Zealand

Sa halos tatlong taon kong pamamalagi sa NZ ay marami na akong narating na iba't ibang lugar dito. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga barkadang lakwatsero at lakwatsera.
  1. Auckland - City of Sails at biggest city sa NZ. Nandito din ang SKYTower na pinakamataas na building sa Southern Hemisphere. Pwede ring magdrive sa Mission Bay o kaya tumambay sa Viaduct Harbour. Kung di mo type, magcasino ka na lang.
  2. Wellington- capital of NZ. Nandito ang "Beehive" o Parliament Building. Makikita din dito ang Te Papa Museum. Yun nga lang, ang lakas ng hangin. Ingat lang na di ka matangay.
  3. Queenstown- adventure capital. Pwedeng mag-ski, sky jump, bungy jump o kaya magjet boat. Dito rin nagshooting ang LOTR. Resort town siya kaya maliit lang. In ten minutes yata naikot mo na buong town.
  4. Rotorua- sarap mag-luge! Kung feel mo mag-amoy sirang itlog punta ka dito at bisitahin din ang mga geysers and mud pools.
  5. Coromandel Peninsula- grabe, ang ganda ng view. lalo na kung nice and sunny kasi blue na blue yung dagat. Ingat lang ha at wag dumaan kung saan-saan baka maligaw kayo.
  6. Lake Taupo- actually, crater ito ng isang inactive volcano. Kung type mo magfishing may I go ka dito.
  7. Cape Reinga- pinakatuktok ng NZ. Makikita mo yung lighthouse tapos pwede mong puntahan yung ninety mile beach. As in beach siya talaga at wala kang ibang makikita kundi super haba na beach.
  8. Milford Sound- para kang nasa enchanted land. Hanep sa view. Ilang roll ng film ang naubos namin dahil sa kaka-pose.
  9. Christchurch- ang ganda ng mga buildings. Para kang nasa Europe. Try nyo rin yung Punting in the Park, para kang nasa Venice nakasakay sa gondola.
  10. Dunedin- kung chocoholic kang kagaya ko puntahan mo ang Cadbuy World para makita mo yung giant chocolate falls. Nandito rin yung only castle sa NZ, ang Larnach Castle.

Mamamangha ka talaga sa NZ. Bawat lugar na puntahan mo ay may kakaiba kang makikita. I'm glad na nagkaroon ako ng pagkakataon na bisitahin ang mga lugar na ito.

Tuesday, August 02, 2005

Ganito pala sa NZ....

Hay naku nung dumating ako dito sa New Zealand, naloka ang beauty ko. Sabihin na natin na na-culture shock ang lola mo. Mantakin mo ba naman ang daming bagay sa Pinas ang nakasanayan mo tapos biglang hala, iba na ang paligid mo. Ibang wika, kultura at lifestyle.

Anyway, here are some things I found odd, funny, impressive or just plain stupid.

  • Kiwi. Lagi ko itong naririnig. Kesyo ang mga Kiwi ay tamad at mabaho at hindi naliligo, etc., etc. Ha? Ano yun? Ang alam ko sa Kiwi prutas at isang ibon. Yun pala, Kiwi din tawag nila sa mga taga New Zealand. Yun pala yun.
  • Hindi uso kutsara at tinidor. Knife and fork gamit nila dito. Kapag kumakain nga ako sa trabaho, lagi akong pinagtatawanan ng mga kasama kong Kiwi kasi hindi ako marunong gumamit ng kutsilyo at tinidor. Anong magagawa ko eh sa hindi ako sanay. Alangan namang pilitin kong gayahin sila eh di hindi ako natapos kumain.
  • Walang tao. Hindi naman yung totally walang tao pero napansin ko nung on the way home galing ng airport, mabibilang lang siguro yung tao na makikita mong nasa labas ng bahay nila. Fresh from the Philippines, nakakapanibago talaga. Maiisip mo, ano ba tong napuntahan ko?
  • Hindi uso ang kanin. Nung nagsimula akong magtrabaho, napansin ko yung mga kasama ko puro tinapay, prutas at salad lang ang baon. Ako lang yata ang may dalang kanin. Tuloy, nakantiyawan na naman ako.
  • Chips. Pag sinabing chips, ang pumapasok agad sa utak ko eh yung potato chips na chichirya kagaya ng Piatos at V-Cut. Dito, pag sinabing chips, French fries yun. Aba, malay ko ba.
  • Matagal dumilim. Dumating ako dito ng last week ng November. Bale pasimula na ang summer. First day ko dito nangapit-bahay agad kami ng kapatid ko. Mga Pinoy din kasi kapit-bahay namin. Eh naaliw kami sa kuwentuhan at balitaan di ko napansin ang oras. Akala ko mag-aalas sais pa lang kasi maliwanag pa. Pagtingin ko sa relo, alas otso na pala. Sadya palang ganun pag palapit na summer matagal dumilim. Napagalitan tuloy kami ng nanay ko pag-uwi.
  • 5 pm. Pagdating nang alas singko ng hapon, wala ka nang mapuntahan. Sarado na halos lahat ng tindahan. Biruin mo yung mall, alas singko ng hapon sarado na? Ano ba naman yan. Eh ako pa naman walang ibang gawin kundi tumambay sa mall. Kainis talaga!
  • Security guards. Dito pag pumunta ka sa bangko, hindi uso ang sekyu. As in wala kang makikitang nagbabantay sa pinto. Umaasa lang sila sa surveillance cameras. Sa atin, mapabangko, tindahan at ultimo mga school may sekyung nakabantay. At take note, yung mga pulis nila dito walang dalang baril, batuta lang. Naisip ko nga ganun siguro ka-safe dito.
  • EFTPOS. Hindi uso dito ang cash. Halos lahat ng puntahan mo ay tumatanggap ng EFTPOS card, atm card sa atin. So pag nagshopping ka abot ka lang ke abot ng card mo. Siguraduhin mo lang na may pera ka sa bangko.
  • Sir at Ma'am. Dito first name basis kayo ng boss mo. Hindi uso ang sir at ma'am. Nung una ilang na ilang nga ako kasi sa atin pag mas mataas ang posisyon sa iyo sir or ma'am kaagad ang tawag. Dati nga nagtrabaho ako sa isang fast food chain sa atin. Kahit yung mga regular employees nila kailangang tawagin na sir at ma'am kahit pareho lang naman kami ng ginagawa. Pagkakaiba lang kasi regular sila, kami contractual lang.

Well, hindi lang yan ang mga bagay na ikinagulat ko dito. Sample lang yan. Ang dami pang iba. So sa mga pupunta dito sa NZ, sana magsilbing gabay ito sa inyo. :)