Tuesday, August 02, 2005

Ganito pala sa NZ....

Hay naku nung dumating ako dito sa New Zealand, naloka ang beauty ko. Sabihin na natin na na-culture shock ang lola mo. Mantakin mo ba naman ang daming bagay sa Pinas ang nakasanayan mo tapos biglang hala, iba na ang paligid mo. Ibang wika, kultura at lifestyle.

Anyway, here are some things I found odd, funny, impressive or just plain stupid.

  • Kiwi. Lagi ko itong naririnig. Kesyo ang mga Kiwi ay tamad at mabaho at hindi naliligo, etc., etc. Ha? Ano yun? Ang alam ko sa Kiwi prutas at isang ibon. Yun pala, Kiwi din tawag nila sa mga taga New Zealand. Yun pala yun.
  • Hindi uso kutsara at tinidor. Knife and fork gamit nila dito. Kapag kumakain nga ako sa trabaho, lagi akong pinagtatawanan ng mga kasama kong Kiwi kasi hindi ako marunong gumamit ng kutsilyo at tinidor. Anong magagawa ko eh sa hindi ako sanay. Alangan namang pilitin kong gayahin sila eh di hindi ako natapos kumain.
  • Walang tao. Hindi naman yung totally walang tao pero napansin ko nung on the way home galing ng airport, mabibilang lang siguro yung tao na makikita mong nasa labas ng bahay nila. Fresh from the Philippines, nakakapanibago talaga. Maiisip mo, ano ba tong napuntahan ko?
  • Hindi uso ang kanin. Nung nagsimula akong magtrabaho, napansin ko yung mga kasama ko puro tinapay, prutas at salad lang ang baon. Ako lang yata ang may dalang kanin. Tuloy, nakantiyawan na naman ako.
  • Chips. Pag sinabing chips, ang pumapasok agad sa utak ko eh yung potato chips na chichirya kagaya ng Piatos at V-Cut. Dito, pag sinabing chips, French fries yun. Aba, malay ko ba.
  • Matagal dumilim. Dumating ako dito ng last week ng November. Bale pasimula na ang summer. First day ko dito nangapit-bahay agad kami ng kapatid ko. Mga Pinoy din kasi kapit-bahay namin. Eh naaliw kami sa kuwentuhan at balitaan di ko napansin ang oras. Akala ko mag-aalas sais pa lang kasi maliwanag pa. Pagtingin ko sa relo, alas otso na pala. Sadya palang ganun pag palapit na summer matagal dumilim. Napagalitan tuloy kami ng nanay ko pag-uwi.
  • 5 pm. Pagdating nang alas singko ng hapon, wala ka nang mapuntahan. Sarado na halos lahat ng tindahan. Biruin mo yung mall, alas singko ng hapon sarado na? Ano ba naman yan. Eh ako pa naman walang ibang gawin kundi tumambay sa mall. Kainis talaga!
  • Security guards. Dito pag pumunta ka sa bangko, hindi uso ang sekyu. As in wala kang makikitang nagbabantay sa pinto. Umaasa lang sila sa surveillance cameras. Sa atin, mapabangko, tindahan at ultimo mga school may sekyung nakabantay. At take note, yung mga pulis nila dito walang dalang baril, batuta lang. Naisip ko nga ganun siguro ka-safe dito.
  • EFTPOS. Hindi uso dito ang cash. Halos lahat ng puntahan mo ay tumatanggap ng EFTPOS card, atm card sa atin. So pag nagshopping ka abot ka lang ke abot ng card mo. Siguraduhin mo lang na may pera ka sa bangko.
  • Sir at Ma'am. Dito first name basis kayo ng boss mo. Hindi uso ang sir at ma'am. Nung una ilang na ilang nga ako kasi sa atin pag mas mataas ang posisyon sa iyo sir or ma'am kaagad ang tawag. Dati nga nagtrabaho ako sa isang fast food chain sa atin. Kahit yung mga regular employees nila kailangang tawagin na sir at ma'am kahit pareho lang naman kami ng ginagawa. Pagkakaiba lang kasi regular sila, kami contractual lang.

Well, hindi lang yan ang mga bagay na ikinagulat ko dito. Sample lang yan. Ang dami pang iba. So sa mga pupunta dito sa NZ, sana magsilbing gabay ito sa inyo. :)

6 Comments:

Blogger Ka Uro said...

hahaha! kaka-aliw itong post mo. naalala ko tuloy nung unang dating din namin mag 10 years ago. ganyan na ganyan din. mas malala pa nga noon as in wala talagang tao at walang mga late night sa mall. yung iba sarado pa pag linggo. i'm sure marami ka rin ekspiryens sa kiwi english. nung una hirap akong umintindi. ngayon nasanay na lang.

3:11 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

Ka Uro,
Gaya nga ng sabi ko marami pa akong mga ibang experience. Yung mga Kiwi kung minsan di ko maintindihan mag english. Ang bilis kasi magsalita. Ang titigas pa, parang bisaya na nag-eenglish.

10:40 pm  
Blogger Senorito<- Ako said...

magkano bigas dyan ?

6:08 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

Senorito,
Hindi ko sure eh. Between $1.50 to $2.00 per kilo. Depende sa klase.

2:11 pm  
Anonymous Anonymous said...

Excellent, love it! winsor pilates contact lens Oregon divorce cases Nj cure car ins Recipes blackberry jam buy bontril Cookeville dentist message boards online pharmacies Body electrical parts isuzu trooper 1989 erectile dysfunction Stop smoking ad specialty turkey Super ted childrens vitamins Answering machine features airline jobs Domino inkjet ink What is a cnc plotter cutter Bulgari discount perfume tea white reverse mortgages Cellulite foods peanut moen faucets

10:21 am  
Anonymous Anonymous said...

dated today i have a mixed emotion regarding on my application going to nz kc my phone interview wd michael liu ds coming monday at 2pm may 26,thank GOD since nov 2007 nag antay ako ngaun na dumating na me halong fear at happiness ang naramdaman ko.Anyway salamat pa rin dahil sa pagkkataon na ito i am blessed and i know that GOD loves me so much.Hope i can cope sll the things that i will encounter dahil naniniwala ako na d nya ako iiwanan nor pababayaan salamat again sa GOD.

1:16 am  

Post a Comment

<< Home