Thursday, August 04, 2005

10 Destinations in New Zealand

Sa halos tatlong taon kong pamamalagi sa NZ ay marami na akong narating na iba't ibang lugar dito. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga barkadang lakwatsero at lakwatsera.
  1. Auckland - City of Sails at biggest city sa NZ. Nandito din ang SKYTower na pinakamataas na building sa Southern Hemisphere. Pwede ring magdrive sa Mission Bay o kaya tumambay sa Viaduct Harbour. Kung di mo type, magcasino ka na lang.
  2. Wellington- capital of NZ. Nandito ang "Beehive" o Parliament Building. Makikita din dito ang Te Papa Museum. Yun nga lang, ang lakas ng hangin. Ingat lang na di ka matangay.
  3. Queenstown- adventure capital. Pwedeng mag-ski, sky jump, bungy jump o kaya magjet boat. Dito rin nagshooting ang LOTR. Resort town siya kaya maliit lang. In ten minutes yata naikot mo na buong town.
  4. Rotorua- sarap mag-luge! Kung feel mo mag-amoy sirang itlog punta ka dito at bisitahin din ang mga geysers and mud pools.
  5. Coromandel Peninsula- grabe, ang ganda ng view. lalo na kung nice and sunny kasi blue na blue yung dagat. Ingat lang ha at wag dumaan kung saan-saan baka maligaw kayo.
  6. Lake Taupo- actually, crater ito ng isang inactive volcano. Kung type mo magfishing may I go ka dito.
  7. Cape Reinga- pinakatuktok ng NZ. Makikita mo yung lighthouse tapos pwede mong puntahan yung ninety mile beach. As in beach siya talaga at wala kang ibang makikita kundi super haba na beach.
  8. Milford Sound- para kang nasa enchanted land. Hanep sa view. Ilang roll ng film ang naubos namin dahil sa kaka-pose.
  9. Christchurch- ang ganda ng mga buildings. Para kang nasa Europe. Try nyo rin yung Punting in the Park, para kang nasa Venice nakasakay sa gondola.
  10. Dunedin- kung chocoholic kang kagaya ko puntahan mo ang Cadbuy World para makita mo yung giant chocolate falls. Nandito rin yung only castle sa NZ, ang Larnach Castle.

Mamamangha ka talaga sa NZ. Bawat lugar na puntahan mo ay may kakaiba kang makikita. I'm glad na nagkaroon ako ng pagkakataon na bisitahin ang mga lugar na ito.

7 Comments:

Blogger Tyler's Mummy said...

Mauie,
Talaga, maganda ang NZ. Bisita ka dito para makita mo kung gaano kaganda dito. :)

10:28 pm  
Blogger Ka Uro said...

mabuti ka pa nakapasyal ka na sa dunedin at queenstown. ako di pa e. gusto ko talagang makita yung milford sound.

11:58 am  
Blogger RAY said...

Taga Queenstown ako maliit nga ang town at pag mga pinoy hindi masyadong mageenjoy kasi karamihan dito ng activities mga adrenaline pumping activities tulad ng bungee jumping, paragliding, sky jumping at jet boating at sobrang mahal ng mga ito. Pag winter naman skiing. Pero kung puti ka heaven na ang lugal na ito kasi karamihan ng nakakarating dito sinasabi sa lahat na napuntahan nilang parte ng New Zealand ito ang kanilang pinakagusto dahil sa katangi-tanging mga tanawin at sari-saring outdoor activities.

5:02 pm  
Blogger Tanggero said...

pasyal ka rin dito sa Singapore, one day lang, naikot mo na lahat, hehehe. Pero kung shopping, kulang ang one week mo.
opefully, makapasyal din kami dyan ng family ko:)

8:55 pm  
Blogger Senorito<- Ako said...

Sama ako.. ilang sakay papuntang auckland pag galing ka ng Quezon city ?

hehehe...

6:07 pm  
Blogger Senorito<- Ako said...

oops... syanga pala walang pics ?

6:11 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

Ka Uro,
Maganda ang South Island. Pag nagpunta ka, i drive mo na lang. Nakakapagod byahe pero worth it sya kasi iba't ibang view makikita mo.

Goyong,
Tama ka talaga. Dapat kung pupunta ng Queenstown, maraming dalangpera kasi ang mamahal ng mga activities. Pero enjoy siya. Ako enjoy ako sa jet boat at bungee jumping.

Tanggero,
Isa ang singapore sa pinapangarap kong puntahan. Naku dapat makapag-ipon bago pumunta dyan kasi sigurado ako hindi ako magkakandaugaga sa pagshashopping. :)

Senorito,
Halika, punta ka dito. Sayang, last weekend lang nagpunta kami sa snow ng mga tropa ko. Yung pics, naku saka na kasi di ako marunong mag attach. :) pag-aaralan ko muna.

2:22 pm  

Post a Comment

<< Home