Sunday, September 11, 2005

My New Interest!

Uyyy! May bago akong 'interest' ngayon. Napagtripan ko yung pagbu-burn ng scented oil sa kuwarto. Last Friday, may I go ako sa $2 shop para maghanap ng burner at mga scented oil. For $2 lang, nakabili ako ng complete set. May burner, isang tealight candle at scented oil. For $2 din, nakabili ako ng 21 tealight candles. Tapos di pa ko nakuntento sa isang scented oil kaya pumunta ako sa Warehouse at nakabili ako ng dalawa pang oil, lavender scent at night queen (kung sa atin pa 'dama de noche'!).

Syempre pag-uwi ko after work, excited akong i-try yung mga nabili ko. Kaya lang may pagkapalpak talaga ako. Paano nakalimutan kong bumili ng lighter. Paano ko sisindihan yung kandila. Lintek! Ginawa ko, punta ako sa kuwarto ng nanay ko at nanghalungkat ako sa kanyang tokador. Eh syempre pa nagising si madir at nagtanong kung anong hinahanap ko. Sabi ko lighter. Sabi niya di daw nya alam kaya yung sister kong tulog ang tinanong niya. Sagot ni sister, baka nasa mga drawer sa kusina. Baba ako sa kitchen at pinagbubuksan ko lahat ng drawer pati mga cupboard tiningnan ko na rin. Wala pa rin. Balik ako kay ermats. Sabi niya naman tingnan ko daw sa kuwarto ng brother ko baka daw tinago. Di punta ako sa kuwarto ni brother. Binuksan ko yung ilaw syempre nagising din siya. Tinanong ako kung anong hinahanap ko, sabi ko lighter. Sabi niya wala daw sa kanya ang lighter. Kung gusto ko daw may posporo sapulang kahon na nasa boot ng kotse. Di baba na naman ako at nagpunta ng garahe. Sa wakas, matapos kung bulabugin ang buong bahay namin! Success ang paghahanap ko at nakakita rin ako ng posporo.

Hay naku, naaliw talaga ako sa bago kong hilig. Nakakarelax talaga siya. Sarap ng feeling yung nakikinig ka lang ng music tapos nagbabasa ng libro o magazines. Huwag lang akong makatulog habang may sindi pa yung kandila. Mahirap na baka lechon ang kalabasan ko! hehehe...

9 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Google rocks in times of crisis
As you may know I have a 'Google Adsense' account, which means I put a script on my blog that lets Google deliver targeted ads.
My affiliate site:email

4:07 pm  
Blogger Ka Uro said...

ab,
oks ang bago mong hilig. mai-try nga $2 lang naman pala.

1:20 pm  
Anonymous Anonymous said...

Hi Aucklandbabe,

Wag mo lang sya iwanan na nakasindi overnight kasi nakakahilo yan pag masyado matagal at kulob ang room mo.

Otherwise, it is truly relaxing.=)

-Jack

8:22 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

Ka Uro, Jack, Kadyo,

Okay talaga siya. Sarap ng feeling. Sa kuwarto na nga lang ako. Salamat din sa mga paalala. :)

4:39 pm  
Blogger Senorito<- Ako said...

yang mga scented candles and scented whatnots mabisang pangontra ng amoy jebs !

6:56 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

tama ka diyan senotiyo... nakakarelax na, air freshener din. double purpose siya, eh di nakatipid ka pa. :)

3:14 pm  
Blogger Tanggero said...

ok din yan sa banyo, lalo na pag nakababad ka sa hot tub :)

5:51 pm  
Blogger Tyler's Mummy said...

tanggero,
okay yan ah. masubukan nga. :)

4:54 am  
Blogger Teacher Sol said...

Yan din ang trip ko simula nang niregaluhan ako ng hubby ko nyan noong anniv namin. Magandang pamparelax yung parang mint yung amoy, tapos sinasabayan ko ng ENYA music. Talagang relaxing...

2:08 pm  

Post a Comment

<< Home