Thursday, September 22, 2005

SUDOKU

Ito ang latest craze ngayon among my co-workers. Lahat ng tao nakatungo at seryosong-seryoso. Akala mo kung anong ginagawa, yun pala busy sa sudoku. Ako, every break abala ako sa sudoku. Pumapayat na nga ako kasi imbes na kumain, yun ang inaatupag ko. At saka bago matulog, yan ang ginagawa ko para antukin. Pero sa totoo lang nakakaddict talaga siya. Nagsimula akong mahilig dyan nung minsang bored ako. Kasi yung supervisor ko nakatayo lang pero napakaseryoso at may hawak napapel at lapis. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya. Yun nga, nagsasagot ng sudoku. Eh, tutal wala naman akong ginagawa, kaya sabi ko masubukan nga. And the rest is history.

Sandali nga, sa mga hindi alam kung ano ito, ang sudoku ay isang puzzle mula sa Japan. The principle is simple: all you need to do is place a number from 1-9 in each empty square, so that every row, column and 3x3 box contains the numbers 1-9. Hindi kailangan ng math o hulaan, logic lang. Anyway, kung gusto ninyong i-try just go to http://www.sudoku.com. Enjoy!

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Hi AB,

Very interesting! Maybe I can try that. Katunog nga lang ng Sadako ng The Ring. hehe...

Cheers,
-Jack

5:50 pm  
Blogger Ka Uro said...

mukhang challenging nga ito.

1:41 pm  
Anonymous Anonymous said...

Aba maganda nga itong pampa-alis ng Homesick. Challenging nga.

Salamat sa pag share mo nito.

10:39 am  

Post a Comment

<< Home